me
name: daniel philip jacinto obedoza
age: 13
starsign: gemini
isa akong hamak na estudyante ng san beda college taytay rizal campus
taga section thirteen ako
may crush ako sa isang artista sa /ZATHURA/
charozz...
archives
February 2006
March 2006
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
September 2009
October 2009
November 2009
credits
Thursday, February 26, 2009
Oo. As you may have read from other blogs, last day regular school day na ng mga seniors bukas. Medyo sentihan eto at hindi ko lang maimagine kung gaano ako iiyak bukas. Sige sabihin na nating meron pang monday hanggang wednesday next week pero iba parin yung feeling na alam mong huling araw mo na para umupo sa silild aralan ng inyong pangkat at makasalamuha ang mga kaklase mo para magkaroon ng klase sa iba't ibang asignatura para sa huling pagkakataon. HULI NA KASI EH. Hindi na mauulit pa. i've fallen in love... fell from the sky 12:21 AM
* * *
faded midnight
blogskins
blogger
Alam kong magkikita pa kami ng napakaraming araw para sa mga graduation practice at kung ano ano pa pero hindi na kami sa classroom nun eh. Saka practice nalang yun. Wala nang aral. Although masaya yung thought na wala nang araw, after nung graduation practices at dumating na yung graduation day, ano na? Wala na, tapos na. :(
Yun ang nakakalungkot. Kasi hindi naman natin sigurado kung magkikita pa kaming lahat muli. Hindi naman kami lahat magiging magkasama sa mga kolehiyo na papasukan namin. Baka yung iba magiibang bansa na.
Masakit isipin na after 4 years, matatapos na lahat. Maghihiwalay na kami.
SIge sabihin natin na dapat nga natin tanggapin kasi wala namang permanente sa mundo. Pero hindi madaling gawin yun eh, madali lang siyang sabihin.
Kung ikaw nga hindi mo rin kaya yung ng ganun ganun nalang eh. I dare you, kaya mo bang mahiwalay sa taong nakasama mo na ng apat na taon? Diba mahirap?
Pero wala na tayong magagawa. Andiyan na ang pagtatapos ng kalsada. Wala na tayong patutunguhan pa. Wala na tayong choice kundi harapin na ang dead end at tanggapin ang katapusan.
Sabagay, bata pa naman kami eh. Madami pa kaming mararanasan sa hinaharap. Pero ang tanging panata ko sa buhay ko, hinding hindi ko makakalimutan ang high school life ko. Sa dami ba naman ng taong pumasok sa buhay ko, nanakit, nagmahal at nagpasaya, makakalimutan ko ba naman lahat yun?
Sa kabuuan, masaya ang high school. Wag ka lang papaapekto sa mga tao sa paligid mo at sa gabundok na requirements na sumasalubong sayo. Masarap takbuhan pero hindi mo matataguan.
Tama na, ilang beses na ba ako nagpost tungkol dito. Nakakasawa narin eh. Hantayin nalang naitn yung moment na talagang ngumagawa na ako at hindi ko na kaya kasi maghihiwalay na at wala nang magagawa pa.